#FOTD: Stoned Baked Rice, Pizza on a Rice

Food of the Day: Stoned-Baked Rice
Restaurant:Gottis,SM Megamall Branch
Cuisine:Italian

Isa ito sa mga kinaadikan ko ngayon. Hindi ko malimutan simula ng matikman ko. Para siyang pizza toppings na nilagay sa ibabaw ng mainit na rice. Resulta? Mainit at malambot na cheese na naghalo sa spices. May limang flavors ang Stone-Baked Rice. Pinakapaborito ko ang Gambino Gamberi.

Quoting directly “succulent shrimps sauteed in garlic, pepperoncino and sweet peppers”. Katulad ng pizza, binubudburan ko rin ito ng Chili Powder. P140-P160 lang presyo ng Stoned-Baked Rice.

Sobrang sulit na sa sarap niyan. At isa pa, hindi mo na kailangang pumila dahil walang masyadong tao sa Gottis. Sa unang tingin, mukha kasing mamahalin ang resto. Nakakarelaks. Subukan niyo na nang mahusgahan niyo rin!

VERDICT: ★★★★♡♡♡♡

Now for the photography part of this blog, my mentor told me that the photos are too warm. Good food photography should expose the true color of the food. For some reason, I love warm colors in all things and I thought that the lighting makes a good impression for the photo. But hey this it is my first time. I will take note of this next time.

#Gottis #FoodOfTheDay #FoTD #StonesBakedRice #Cheese #PizzaOnTheRice

Advertisement

12 thoughts on “#FOTD: Stoned Baked Rice, Pizza on a Rice

  1. Ang galing na may feedback agad sa photo. Ganun siguro yung photo dahil sa ilaw? Or may filter pa? Nakakagutom yung food! 11pm na dito bigla kong nagutom. Hahaha

    Like

  2. I agree, masyadong warm yung photo pero ang hirap naman kung magdadala ka pa ng ilaw eh kakain ka lang naman 😛 Hindi masyado sa akin benta yung food, hindi ko maimagine yung may rice tapos ano ba yan….tomato sauce and toppings lang? Hahaha or niluto na tapos topped lang?

    Like

    1. Hindi beshie. Masarap ang spices niya. And may karne rin like shrimp, steak or fish depende sa flavor. Parang pizza kasi yung datingan. Pero mas masarap sa pizza kasi hindi naman ako mahilig sa pizza in the first place. Tapos ang init pa niyan kapag sinerve. Sarap ng cheese kapag mainit. hehe Yummy!

      Liked by 1 person

      1. Nacurious tuloy ako kung masarap ba yang food na yan! Hahaha. So hindi ka nag post process? or gumagamit ng apps talaga? Ako kasi madalas gumagamit ng apps

        Like

      2. Ako kasi madalas brightness lang tapos deretso VSCO filters na hahaha 😛 Trial and error lang naman talaga feel ko. Once na makuha mo yung gusto mo na 🙂

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s