Review: BuyBust (2018)

Capsule Movie Review: Buybust (2018)
Directed by: Erik Matti

Trailer

 

WHAT I LIKE:

1.Simple lang ang story. Nagkaroon ng tip ang kapulisan na nagtatago ang big time druglord na si Biggie Chen sa Barangay Gracia ni Maria. Naatasan ang squad na kinabibilingan ni Manigan (Anne Curtis) para sa BUYBUST operation na ito. Ngunit natagpuan nila ang sarili sa isang set-up at ang tanong ay kung makakalabas sila ng buhay sa mala puzzle, masikip at komplikadong lugar ng Barangay na pati mamayan ay galit sa kapulisan.

2. Shakey Camera work sa simula. Tila ba hinahanda na ang mga mata at puso mo sa gulo ng mangyayari.

3. Abangan niyo iyong 3-minute one-cut action scene. Ang UNIQUE at ASTIG ng mga FIGHTING SCENES dito!!! Never ko pang nakita sa kahit anong Filipino action movies or even Hollywood. Literal na makapagpigil-hininga ang habulan, taguan at labanan. At some point napapasigaw rin kaming mga nanonood. No holds barred din pagdating sa brutal scenes. (Hindi ko malilimutan si Cactus girl.) Realistic din iyong tipong tumatama tlaga ang mga palo at suntok. Wala ring masyadong maraming satsat (except on one scene) Bloodshed kung bloodshed.

4. Newfound respect for Anne Curtis as actress dahil naging legit na action star siya dito. Pero ang pinakapaborito ko si Brandon Vera na Mixed Martial Artist din pala sa totong buhay. Noong una akala ko hindi siya marunong mag-Tagalog at so-so lang siguro ang acting. Pero solid naman pala. Hindi lang sa action scenes kung hindi sa pag-arte. SA kaniya ko nakuha ang puso ng pelikula more than Anne. More action movies to this man please!

Capture

5. And let’s not forget the music scoring na lalong nagpadagdag ng tensyon sa mga eksena. Ginamit rin ang Lupang Hinirang” dito with subtlety and respect. Ang naisip ko sa tagpong iyon, parang pinahihiwatig na ang gulo hindi lang sa barangay Gracia ni Maria kung hindi sa buong Plipinas. Iyon ang nadama ko. For this let’s commend the man behind the musical scores. Malek Lopez and Erwin Romulo!

6. Ito talaga ang pinaka-nakaka elibs sa lahat. The stage design of Barangay Gracia ni Maria. Ito kasi talaga ang nagpahirap sa squad ni Anne Curtis at pati na rin sa mga kontrabidia. Slum, squatter’s area na para bang maze sa sobrang gulo ng daan , kanal at mga lusutan. Magka-crash ang Waze sa lugar na ‘to. Naisip ko nga kung totoo itong lugar na ito, pwede na siyang maging tourist spot. Excting kung paano ka makakalabas. Pinanood ko tuloy iyong” the making” clips and most of it is a set design. Ang galing sobra! Napaka-realistic. First time ko napa-search kung sino ang Set designers/ Production designers ng pelikula and they are “Michael N. Español and Roma Regala”. (I hope I got the names right)

Clips showing what is the inspiration of the film and the making of production design.

7. Hindi na ako nagulat sa twist. But definitely satisfied sa ending.

8. Ang galing ni Arjo Atayde! Short appearance but it’s a bomb. HIndi ko siya kilala before. And syempre Nonie Buencamino forever. Mapa-kontrabida or bida, effective talaga siya. (See Smaller and Smaller Circles, Dagitab, Heneral Luna). Other actors and actresses may it be in the squad or the drug cartel did their acting very well. Wala akong masabi.

Capture.JPG

 

9. Erik Matti’s is the best director at this time. To the point inaabangan ko na mga pelikula niya since OTJ.

10. The film is clearly insinuating about the current anti-drug war in our country. It is entertaining but super relevant. Mapapaisip ka na lang kung tama pa ba ang nangyayari sa bansa.

WHAT I DON’T LIKE

1. May mga action scenes si Anne na pwede naman siya sugurin ng sabay-sabay ng mga nakapaligid sa kaniya pero isa-isa pa rin silang sumusugod.

2. Hindi pwede sa mahihiluhin. May mga action scenes na hindi malinaw at nadaan lang sa shakey camera work. Sa umpisa lang naman.

3. May isang eksena rito na napasobra ata ng satsat. “Ano ba barilin mo na kasi!!!” moment. Ganun.

4. At some point hindi ko na maintindihan iyong ibang ordinary citizens dito. HIndi ko masyadong naintindihan kung ano iyong hugot nila kung bakit sobrang mithiin sa pagsugod sa squad. Parang wala rin naman silang strong bond sa drug cartel. Maiintindihan ko iyong mga nagtatago sa bahay-bahay para di na madamay. May part pa na sila na nag-aaway at sila na lang talaga magulo haha. In short, may ordinary citizens na panggulo lang. Gusto lang ata ng away.

FINAL VERDICT: 9.5 out of 10 stars. Superb and super relevant pero para sa mahihiluhin, uminom ka muna ng Bonamine.

Support Local Films!

Gurezu


Disclaimer: Not photos are mine. CTTO.

Let’s connect!

Facebook:

https://web.facebook.com/Gurezu/photos/p.1052192334933895/1052192334933895/?type=3&theater

IG: http://www.instagram.com/gurezu

 

 

18 thoughts on “Review: BuyBust (2018)

  1. Grabe ‘tong movie na toh! Sa lahat yata ng action film sa Pilipinas na napanood ko, ito na ang pinaka the best!

    Mas realistic kase, tsaka matagal nila pinaghandaan ang movie na ito, taon ang inabot. Ang mga fighting scenes pati dito ay hindi gaya sa Ang Probinsyano. LOL

    Tsaka isa pa, si Erik Matti ang direktor nito. I’m a fan as well mula nung napanood ko ang On The Job. I’m looking forward for more movies like this. ☺

    Like

  2. May mga action scenes si Anne na pwede naman siya sugurin ng sabay-sabay ng mga nakapaligid sa kaniya pero isa-isa pa rin silang sumusugod. >>> typical Pinoy action film hehe.

    Like

      1. Ok naman si Anne dito besh. Pramis. Newfound respect talaga. Kasi oahit alam mong may stuntwoman siya…hindi pa rin gagana yung action kung maarte siya.

        Like

  3. Grace grabe!
    About dun sa set, sabi ni Erik Matti meron silang slums location kasi sa movie nila na On The Job tapos naisip niya daw noon na pag nagkagulo hindi niya alam pano sila lalabas so dun nabuhay yung setting ng Gracia ni Maria. So ibig sabihin sobrang totoo no? Naloka ako hahaha

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s