This is originally posted in my Facebook Page Gurezu Blog and just reposting it here for redundancy. This is not a formal movie review. This is sort of my train of thoughts while watching it in the theater. Also, this will contain major spoilers. You have been warned.
🤔 May bagong pulis sa istasyon. Mayabang pero pogi na si Jack (Coco Martin). Siya ang bagong ka-partner ni Popoy ( Vic Sotto). Kailangan nilang patumbahin ang isang drug syndicate na matagal nang iniimbestiigahan ni Popoy dahil sangkot ito sa pagkamatay ng dati niyang kaibigan at kapartner (Lito Lapid). And wait there’s more, nandito rin si Emily (Maine Mendoza) , anak ni Popoy at isa ring pulis. You know, para may love interest naman.
🤔 In fairness sa dami ng gag and filler jokes, may tumatama rin naman. Mga 5 out of 20 jokes in comparison.
🤔 Grabe si Coco Martin, hindi nga talaga siya namamatay. Parang isang episode ng “Ang Probinsiyano”. May part dito iyong nag zip line siya. He’s very out in the open-air at ang daming bumabaril sa kaniya. Ni isa walang tumama! Amazing!!!
🤔Ang hot ni Arjo Atayde. Malalim din ang dimples. Iyan yata talaga mga type ni Maine Mendoza.
🤔 Ang ganda ni Coco Martin in drag! Pwede ba magkaroon siya ng film na magbihis babae siya the whole time?
🤔 May drama and twist ang story. Akalain niyo iyon?!
🤔 Noong huli, ginusto ni Vic na siya na lang sumugod sa kuta ng napakaraming kalaban ala Bourne Legacy upang hindi na mapahamak si Coco. Noong kasama nga niya si Coco Martin na hindi namamatay, pumapalpak sila e. Naisip pa niyang mag-isa ? Na walang naiisip na strategy or plano aside sa pagdadala ng maraming armas. What kind of pulis is this? Hindi nag-iisip! (Gigil ako!!!)
🤔 So-so action scenes. Pinaka-nagustuhan ko iyong kay Maine vs. Ryza . Exciting iyong isang iyon in-fairness.
🤔 Nakakatawa si Coco Martin sa bloopers at the end of the movie. Mas nakakatawa siya dun.
VERDICT: 6/10. Nakakaaliw na rin basta forget your utak muna in a while.