Black Mirror Review Season 1 (Tagalog)

Hi Beshies! So maraming nagsasabi na maganda ang anthology series na ito na mapapanood sa Netflix. I had reservation in the past na panoorin ito kasi nakaka-depress daw ang mga stories. Pero this week, I finally gave in. In search for something clever to watch. Iyong tipong mamangha ka or mapapaisip. Pero kung pagod ka, gusto mo manood ng light lang na nakakarelax, I advise huwag ito panoorin mo.

Una sa lahat, for those are not familiar, Black Mirror is an anthology series. Iba-iba ang storya ng bawat episodes pero umiikot ito sa tema ng modern technology at paano ito nakakaapekto sa society at relationships. Hindi siya horror series but more on sci-fi ang genre niya. Every episode was beautifully crafted and warnings about the dangers of technology in the hands of current society. And I want to commend the writer Charlie Brooker. Para sa akin, isa siyang genius!

Season 1 Episode 1: The National Anthem

Synopsis: Nakidnap ang isang member ng royalty at ang hinihingi nilang ransom: makipag sex ang Prime Minister sa isang hayop in front of national television.

Honestly, thrilling ang episode na ito dahil malaki ang at stake. Pero nakakainis din kasi, the authority could have done better. Message of the story: sa social media age, mas madali na mang-bully, mang-harass and even mang terrorize ng tao sa buong mundo. Imbes na maging pribado ang imbestigasyon sa paghahanap sa prinsesa, mas naging vulnerable pa dahil sa bilis ng pagkalat ng impormasyon. People loves drama. Minsan ang isang problema, lumalaki dahil marami na nakisawsaw imbes na ma-resolve ang issue privately. In the end, dahil benta sa madla ang drama, mas nag focus ang mga tao sa screens kaysa sa iligtas ang prinsesa, moreover, ang Prime Minister from a tragic ending. 

Final Verdict: 7 out of 10 stars.

Season 1 Episode 2 : Fifteen Million Merits

Synopsis: Set in a dystopian society. Ang mga trabaho ng mga maralitang tao rito ay mag stationary bike para mag-generate ng energy or kuryente sa komunidad. Hinid ko alam kung prison ba ito o sadiyang ito na ang mismong environment nila. Maaring sira na ang earth at isang “enclosed environment” na nagkatira ang mga tao kasi wala akong nakitang ni isang eksena na nagsasabing mayroon pang “nature” or “outdoor”. Ang pera nila rito ay digital na in a form of “merits”. Mas maraming merits, mas maraming pera. Mas masipag silang mag-bike, mas maraming merits. Ang tanging paraan para umangat sila sa buhay ay sumali sa isang talent reality show na parang “American Idol” ang format. Ang nakita ko sa episode na ito ay ang objectification base on looks. Parang ahh maganda ka, dito ka. Ahhh mataba ka, dito ka. At kung maganda ka naman at may advantage ka, hindi ibig sabihin noon ay automatic na ang pagganda ng buhay mo. Nawawala na rin ang totoong koneksyon ng mga tao sa bawat isa dahil puro na lang nakatutok sa screens. Siguro ang nakakalungkot lang din , kahit ang taong ayaw sa sistema, wala ring choice sa huli kung hindi magpalamon dito.


Final Verdict: Mejo boring sa umpisa. 7 out of 10 stars

Season 2 Episode 3: The Entire History of You

Imagine this! Lahat ng memories mo, pwede na ma-store sa electronic chip na konektado sa utak. Pwede mo i-replay lahat ng nakita mo at pwede mo rin panoorin sa t.v na parang DVD. Ito ang premise ng An Entire History of you at kung paano nito naitulak ang isang lalaki sa kapraningan.

Ito ang favorite ko sa mga episode Season 1. Ang ganda! Napaka believable ng technology. Kung tutuusin parang maganda magkaroon ng ganitong technology in the future. Maaring bumaba ang crime rates dahil wala ka na maitatago sa awtoridad. Kapag kailangang imbestigahan ang tao, mapapatunayan niyang inosente siya sa pamamagitan pagbibigay ng kopya na kanilang memorya. Ngunit gaya ng ibang teknologiya, kapalit nito ang kawalan ng privacy ng tao. At maari rin itong madulot ng panibagong anxieties at paranoia. E di ba nga sa facebook pa lang, studies shows na nagti-trigger ito ng mga psychological disorders specially anxieties. Although sa story na ito, mukhang tama naman na na-praning ang lead character na si Liam. Minsan ang pag disconnect sa teknolohiya ang magbibigay pa sa atin ng kapayapaan. 

Verdict: 9/10, Nice imaginative technology that could breed more good stories. 

That’s it for Season 1. Ang dami ko pang hahabulin! Anyway I post more updates of my Black Mirror reviews in my Facebook page Gurezu Blog. Sharing you the album of my reviews of what I have watched so far in this link.


How about you? What do you think of Black Mirror? And what are your favorites so far. I love love to talk about it!

Remember, you are awesome! Don’t let other people tell otherwise!

Gurezu ❤

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s