First of all, if you want to translate the content of this blog to any language that you feel comfortable to, feel free to use the translator widget located at the sidebar of this blog ———–>
At nagpapatuloy ang aking Black Mirror Reviews dahil manghang-maangha ako sa bawat episode nito. Unique kasi ang mga kuwento at tipong mapapaisip ka talaga kung anong paniniwalaan mo o kung anong papanindigan mo. Sa mga hindi pa pamilyar kung ano ang Black Mirror. Ito ay isang anthology series at collection ng mga “cautionary tales” kapag naging masyado nang advance ang technology at kung paano ito makakaapekto sa society at relationships. Ang rebyu ko sa season 1 ay narito lamang sa link na ito. Mapapanood ito sa Netflix.
Season 2 Episode 1: Be Right Back

Anong gagawin mo kapag biglang nawala ang pinakamamahal mo at may teknolohiya na maaring makagawa ng magandang replika niya base sa “personality blueprint” na iniwan niya sa internet? Kaya rin nitong gayahin ang boses at katawan.
Naku ang episode na ‘to sobrang nakaka-affected. Ang ganda ganda! Purihin ko muna ang dalawang aktors na gumanap dito dahil ang galing nila. Hindi OA na maraming iyak pero ang bigat. Nadama ko.
Ang creepy ng kuwento nito sa totoo lang. Iyong una, ayaw rin ni Martha sa idea nito, pero sa sobrang lungkot at desperasyon noong nawala si Ash, sinubukan niya. Eventually na-adik na rin siya pansamantalang “comfort”. Ngunit kahit gaano man kagaling ang teknolohiya, wala itong kaluluwa. Ito ang pinakamensahe ng story. Sa huli, hindi naging sapat ang fake Ash. Hindi kailanman. Sa kasamaang palad, nasira lang nito ang tamang “grieving process” ni Martha at hindi siya tuluyang nag-heal. Bagkus lumalim pa ang sakit.
Another lesson siguro, huwag masyadong ma-adik sa internet. Hindi pinakita kung paano namatay si Ash dito pero pinakita rito na heavy user siya in unreasonable level. Sa tingin ko may kinalaman iyon sa pagkamatay niya. Ipinakita rin nito na imperfect boyfriend siya at maaring magaing pa ang fake Ash sa ibang bagay. Ngunit sa huli walang makakapantay sa totoong siya. Humans are imperfect but we have a soul.
Final Verdict; 9.5/10, Dama ko siya.
Season 2 Episode 2: White Bear

Nagising minsan ang isang babae sa isang kuwarto na walang naalala na kahit ano from the past. Paglabas niya, may mga humahabol sa kaniya na gusto siyang patayin. Marami namang tao sa paligid ngunit walang tumutulong sa kaniya. Lahat sila nirerecord lang siya through their mobile phones.
Hindi ko masyadong “feel” ang episode na ‘to. Siguro dahil pagod ako noong nanood ako nito at tinatamad ako mag-isip. Although naipaliwanag naman sa huli ang twist. *SPOILER* And lugar na kinalalagyan ng babae ay isang amusement park kung saan paulit-ulit na parurusahan ang isang convict pyschologically. Ang tanong, makatarungan ba ito? Kung sa akin lang, kung totoo ang krimen na ipinaparatang sa kaniya, why not?!
Final Verdict: 6.5/10, Wala akong na-feel masyado sa episode na ito compared sa few episodes na napanood ko prior this.
Season 2 Episode 3: The Waldo Moment

Si Waldo ay isang cartoon character na pinapagalaw at binobosesan live ni Jamie Salter gamit ang isang aparato. Sikat si Waldo dahil bastos siya at walang-galang sa mga pulitiko na guest ng kanilang show. Sa hindi inaasahang pagkakataon, natagpuan niya ang sarili na tumatakbo sa totoong eleksyon dahil sa kasikatan niya. Maging si Jamie ay nagulat dahil maraming gustong bumoto at malaki ang pag-asa niyang manalo kahit isang cartoon character lamang si Waldo.
Ito raw ang pnaka-least favorite sa mga episode ng black mirror. And I can see why.Hindi masyadong justifiable Ang biglaang pagsikat ni Waldo. Hindi rin siya nakakatawa cartoon character for me. Gayunpaman, napapanahon ang mensahe na gustong sabihin ng episode na ito. Ang mga tao, pipiliin nila kung sino ang sikat, magaling magsalita, kahit bagsak sa character , walang plataporma at tila ba panggulo lang. Hindi ba pamilyar? Isipin niyo lang ang nakaraang eleksyon sa pagka senado sa Pilipinas. Ang masakit niyan, totoong tao si Waldo. At nanalo pa tlaga. At least si Waldo, wala naman criminal record.
Nakakaawa rin si Jamie rito, ang taong kumokontrol kay Waldo. Successful si Waldo pero hindi niya maramdaman na tagumpay niya rin ito as comedian. Tila ba hindi kayang angkinin. Sa huli, mas naging makapagyarihan si Waldo sa kaniya and he ended up like an empty shell.
Rating: 8/10 stars
Christmas Special: White Christmas

Hmmm. Medyo mahirap para sa akin gawan ng commentary ang isang ito. Hindi sa mahirap siyang intindihin. Pakiramdam ko, iyong mga na-agrabyado sa episode na ito sila pa iyong sobrang naparusahan! Lahat sila may pagkakamali like humans always do. Iyong iba nga ay hindi naman tao in the first place.
1. Harry – isang awkward na young professional who wanted to score a date. Kinuha niya si Matt bilang “Pick-up” mentor. Ang mentorship ay real-time. Gumagamit sila ng “Z-Eye”. Parang Google Glass pero nakaimplant na sa mata or sa utak. Lahat ng pwede nating agwin with our mobile devices like calling, taking photos and videos, kaya na ring gawin through Z-eye. Lahat ng nakikita ni Harry, napapanood ni Matt at nakakapagbigay siya ng live advice kung ano ba dapat sabihin at ikilos para makakuha siya ng date and hopefully, get laid. Siya ang unang casualty sa White Christmas. Sobrang nakakaawa kung ano ang kinahitnan ng supposed to be first date niya. Yes, ang creepy na nag-acquire siya ng services ni Matt. But still, he doesn’t deserve what happened to him.
2. Cookie – hindi ito ang pangalan ng tao pero panagalan ito ng isa pang technology na na-introduce sa episode. Ang cookie ay “duplicate” ng consciousness at memories ng taong nag-avail ng services na ito upang gawing virtual assistant. Nakakaawa ang mga “Cookies” dahil para sa akin, para silang kaluluwa na na-trap sa isang egg shaped container. They are not just like Amazon Alexa or Iphone Siri. They have thoughts, memories and feelings ng taong pinanggalingan nila. Sabi nila, they are just piece of codes. Pero kung para lang silang code, bakit kailangan silang isailalim sa torture para lang sumunod. Para silang kaluluwa na ginawang alipin.
3. Matt – Hmmm. This is a grey area. Masamang tao siya. No doubt about that. Hindi ako sang-ayon na shinishare niya ang live streaming ng dating adventure ni Harry sa grupo ng mga perverts. Pero iyong punishment sa kaniya sa huli, parang sobrang bigat for me. Pero hindi ako masyadong naaawa sa kaniya.
4. Joe – Waaah! Don’t get me started on this one. Siya pinaka-nakakaawa sa lahat. He was cheated on, blocked by the person he loved the most and the tragedy went on. Iyong nangyari sa cookie niya aka sa duplicate soul ang pinakamalalang punishment sa Black Mirror universe. Mas malala pa sa White Bear episode. He does not deserve this!
Maraming kuwento pero maganda ang pagkaka-habi nila sa isa’t-isa. White Christmas is a hard watch but it is beautifully written and crafted with twists. It will make you ponder about what really makes us human and what extent of cruelty we can do with all advancement in technology.
Rating: 8.5/10 stars. Beautiful but most cruel episode of Black Mirror for me. I stopped watching for three days after this.
That’s it for Season 2. How about you? What do you think of Black Mirror? And what are your favorites so far. I love love to talk about it!
Remember, you are awesome! Don’t let other people tell otherwise!
Gurezu ❤
Let’s connect!
Facebook: Gurezu Blog