Review: BuyBust (2018)

Capsule Movie Review: Buybust (2018)
Directed by: Erik Matti

Trailer

 

WHAT I LIKE:

1.Simple lang ang story. Nagkaroon ng tip ang kapulisan na nagtatago ang big time druglord na si Biggie Chen sa Barangay Gracia ni Maria. Naatasan ang squad na kinabibilingan ni Manigan (Anne Curtis) para sa BUYBUST operation na ito. Ngunit natagpuan nila ang sarili sa isang set-up at ang tanong ay kung makakalabas sila ng buhay sa mala puzzle, masikip at komplikadong lugar ng Barangay na pati mamayan ay galit sa kapulisan.

2. Shakey Camera work sa simula. Tila ba hinahanda na ang mga mata at puso mo sa gulo ng mangyayari.

3. Abangan niyo iyong 3-minute one-cut action scene. Ang UNIQUE at ASTIG ng mga FIGHTING SCENES dito!!! Never ko pang nakita sa kahit anong Filipino action movies or even Hollywood. Literal na makapagpigil-hininga ang habulan, taguan at labanan. At some point napapasigaw rin kaming mga nanonood. No holds barred din pagdating sa brutal scenes. (Hindi ko malilimutan si Cactus girl.) Realistic din iyong tipong tumatama tlaga ang mga palo at suntok. Wala ring masyadong maraming satsat (except on one scene) Bloodshed kung bloodshed.

4. Newfound respect for Anne Curtis as actress dahil naging legit na action star siya dito. Pero ang pinakapaborito ko si Brandon Vera na Mixed Martial Artist din pala sa totong buhay. Noong una akala ko hindi siya marunong mag-Tagalog at so-so lang siguro ang acting. Pero solid naman pala. Hindi lang sa action scenes kung hindi sa pag-arte. SA kaniya ko nakuha ang puso ng pelikula more than Anne. More action movies to this man please!

Capture

5. And let’s not forget the music scoring na lalong nagpadagdag ng tensyon sa mga eksena. Ginamit rin ang Lupang Hinirang” dito with subtlety and respect. Ang naisip ko sa tagpong iyon, parang pinahihiwatig na ang gulo hindi lang sa barangay Gracia ni Maria kung hindi sa buong Plipinas. Iyon ang nadama ko. For this let’s commend the man behind the musical scores. Malek Lopez and Erwin Romulo!

6. Ito talaga ang pinaka-nakaka elibs sa lahat. The stage design of Barangay Gracia ni Maria. Ito kasi talaga ang nagpahirap sa squad ni Anne Curtis at pati na rin sa mga kontrabidia. Slum, squatter’s area na para bang maze sa sobrang gulo ng daan , kanal at mga lusutan. Magka-crash ang Waze sa lugar na ‘to. Naisip ko nga kung totoo itong lugar na ito, pwede na siyang maging tourist spot. Excting kung paano ka makakalabas. Pinanood ko tuloy iyong” the making” clips and most of it is a set design. Ang galing sobra! Napaka-realistic. First time ko napa-search kung sino ang Set designers/ Production designers ng pelikula and they are “Michael N. Español and Roma Regala”. (I hope I got the names right)

Clips showing what is the inspiration of the film and the making of production design.

7. Hindi na ako nagulat sa twist. But definitely satisfied sa ending.

8. Ang galing ni Arjo Atayde! Short appearance but it’s a bomb. HIndi ko siya kilala before. And syempre Nonie Buencamino forever. Mapa-kontrabida or bida, effective talaga siya. (See Smaller and Smaller Circles, Dagitab, Heneral Luna). Other actors and actresses may it be in the squad or the drug cartel did their acting very well. Wala akong masabi.

Capture.JPG

 

9. Erik Matti’s is the best director at this time. To the point inaabangan ko na mga pelikula niya since OTJ.

10. The film is clearly insinuating about the current anti-drug war in our country. It is entertaining but super relevant. Mapapaisip ka na lang kung tama pa ba ang nangyayari sa bansa.

WHAT I DON’T LIKE

1. May mga action scenes si Anne na pwede naman siya sugurin ng sabay-sabay ng mga nakapaligid sa kaniya pero isa-isa pa rin silang sumusugod.

2. Hindi pwede sa mahihiluhin. May mga action scenes na hindi malinaw at nadaan lang sa shakey camera work. Sa umpisa lang naman.

3. May isang eksena rito na napasobra ata ng satsat. “Ano ba barilin mo na kasi!!!” moment. Ganun.

4. At some point hindi ko na maintindihan iyong ibang ordinary citizens dito. HIndi ko masyadong naintindihan kung ano iyong hugot nila kung bakit sobrang mithiin sa pagsugod sa squad. Parang wala rin naman silang strong bond sa drug cartel. Maiintindihan ko iyong mga nagtatago sa bahay-bahay para di na madamay. May part pa na sila na nag-aaway at sila na lang talaga magulo haha. In short, may ordinary citizens na panggulo lang. Gusto lang ata ng away.

FINAL VERDICT: 9.5 out of 10 stars. Superb and super relevant pero para sa mahihiluhin, uminom ka muna ng Bonamine.

Support Local Films!

Gurezu


Disclaimer: Not photos are mine. CTTO.

Let’s connect!

Facebook:

https://web.facebook.com/Gurezu/photos/p.1052192334933895/1052192334933895/?type=3&theater

IG: http://www.instagram.com/gurezu

 

 

Advertisement