Mary, Marry Me Movie Review (Tagalog)

I posted the following thoughts through my facebook page “Gurezu Blog” and just re-posting it here.  This is no way a formal movie review. I just wrote my train of thoughts while I’m watching it inside the theater. WARNING: This will contain spoilers so watch out!

🤔Plot: Matagal nang hindi nagkikita ang magkapatid na Mary Jane (Toni) at Mary Anne (Alex) simula pagkabata.  Ngunit komplikado ang kanilang pagtatagpong muli. Ikakasal na si Mary Anne sa ex-boyfriend ni Mary Jane. At kahit mahirap, pumayag si Mary Jane maging wedding coordinator. Promising premise sana. 

🤔 10-20 minutes watching this film. “Ang boring. Parang mas nakakaaliw pa Jack Em Popoy which I thought I don’t like that much.”

🤔Napaka unnecessary ng role ni Melai Cantiveros dito. She is supposed to be the best friend of Alex character. Pero parang nandito lang siya to be mocked and hurt physically for the sake of being “FUNNY”. Pero lumabas na napakakorni at hindi nakakatawa. Sayang naman sa part ni Melai Cantiveros.

🤔 I liked Alex Gonzaga here. Siya lang ang funny sa pelikulang ‘to. Na-realized ko may “K” rin siya maging kontrabida and pwede rin siya sa drama. I thought she’s just loud and maharot which sells in vlogging stint niya. Pero okay pala talaga siya umarte if given a chance. But still, it’s not enough to save the whole movie.

🤔 Ang exciting scene lang dito is the confrontation scene. And after noon, gusto ko na lang matapos na iyong movie.

🤔 Bakit hindi naglilinis ng tainga si Mary Anne (Alex Gonzaga)? Kasi mahirap daw ang buhay sa abroad. Ang dami niyang pinagdaanan… Say what??

🤔Non-sense iyong pag bi-break ni Toni G and Sam Milby sa flashback. I’m not convinced. Parang dapat lang talaga silang mag break para may conflict ang movie.

🤔 ENDING: Again I warned you. This is a major spoiler so if you plan to watch the movie, better skip this altogether. So eto na nga ang ending.  Hindi natuloy ang wedding ni Alex at Sam dahil mas mahal pa ni guy si ate. Pero hindi rin itinuloy ni Toni ang pakikipagrelasyon kay Sam. Umalis na lang si Sam para magpakalayo-layo. Nag reconcile ang magkapatid. 

VERDICT: 5/10. Buti na lang nakakaaliw si Alex G kung hindi mas mababa pa sana ito.

 

Jack Em Popoy: The Puliscredibles Movie Review (Tagalog)

This is originally posted in my Facebook Page Gurezu Blog and just reposting it here for redundancy. This is not a formal movie review. This is sort of  my train of thoughts while watching it in the theater. Also, this will contain major spoilers. You have been warned.

🤔 May bagong pulis sa istasyon. Mayabang pero pogi na si Jack (Coco Martin). Siya ang bagong ka-partner ni Popoy ( Vic Sotto).   Kailangan nilang patumbahin ang isang drug syndicate na matagal nang iniimbestiigahan ni Popoy dahil sangkot ito sa pagkamatay ng dati niyang kaibigan at kapartner (Lito Lapid). And wait there’s more, nandito rin si Emily (Maine Mendoza) , anak ni Popoy at isa ring pulis. You know, para may love interest naman. 

🤔 In fairness sa dami ng gag and filler jokes, may tumatama rin naman. Mga 5 out of 20 jokes in comparison.

🤔 Grabe si Coco Martin, hindi nga talaga siya namamatay. Parang isang episode ng “Ang Probinsiyano”. May part dito iyong nag zip line siya. He’s very out in the open-air at ang daming bumabaril sa kaniya. Ni isa walang tumama! Amazing!!!

🤔Ang hot ni Arjo Atayde. Malalim din ang dimples. Iyan yata talaga mga type ni Maine Mendoza.

🤔 Ang ganda ni Coco Martin in drag! Pwede ba magkaroon siya ng film na magbihis babae siya the whole time?

🤔 May drama and twist ang story. Akalain niyo iyon?!

🤔 Noong huli, ginusto ni Vic na siya na lang sumugod sa kuta ng napakaraming kalaban ala Bourne Legacy upang hindi na mapahamak si Coco. Noong kasama nga niya si Coco Martin na hindi namamatay, pumapalpak sila e. Naisip pa niyang mag-isa ?  Na walang naiisip na strategy or plano aside sa pagdadala ng maraming armas. What kind of pulis is this? Hindi nag-iisip! (Gigil ako!!!)

🤔 So-so action scenes. Pinaka-nagustuhan ko iyong kay Maine vs. Ryza . Exciting iyong isang iyon in-fairness.

🤔 Nakakatawa si Coco Martin sa bloopers at the end of the movie. Mas nakakatawa siya dun.

VERDICT: 6/10. Nakakaaliw na rin basta forget your utak muna in a while.