Journal: Hello Second Half of the Year!

July 1, 2018

Linggo.

Filipino mode muna tayo. or Tanglish. I want to be my journal as raw as possible. Na-miss ko na maging diarist. Iyong araw-araw na nagsusulat talaga sa diary. Na-miss ko maging spontaneous sa pagsusulat. Iyong hindi ako nag-eedit masyado sa mga sasabihin ko. Ganun. Kaya ito, mag da diary ulit ako. I plan to publish my diary/journal once every week.

So Sunday ngayon. Simula ng buwan ng July. It’s official. Tapos na ang kalahati ng taon. Kumusta na kaya? Dinadalaw na naman ako ng anxieties ko. Bakit ba kasi ang bilis ng oras? Nakakapikon na e. haha!

Anyway nakatoka ako mag-serve as photographer sa The Feast ngayon, the happiest place on earth. Catholic Mass gathering ito. Karamihan ng mga tao pinagkakamalan itong Born-Again Christian Church dahil sa paraan ng pag-worhip. Iyong maingay, masigla, parang may concert lagi. Nakatoka ako sa 3:45 PM session. As usual, kukunan ko si Father, Si Bro. Alvin pero ang pinaka-favorite kong kunan ay mga taong buong puso nagwo-worship na tulad nito.

Saka iyong mga lovers na magkasamang nakikinig sa salita ng Diyos. Hawak kamay na nag pe-praise and worship. #RelationshipGoals ko ‘yan e.

DSCF9637

Higit sa lahat, gusto ko iyong mga tumatawa. Sniper ako lalo na kapag nagjo-joke na si Bro. Alvin Barcelona. Kailangan alerto ako sa mga stolen shots ng mga tumatawa.

Ang topic namin sa The Feast ngayon ay News Feed: How to Really Connect. E di ba, ang mga tao ngayon slave na ng social media. Connected na halos lahat sa virtual world pero sa personal, super disconnected na. Baligtad di ba? Sapul sa akin ito e.

Ang gist ng talk e. Social Media is NOT EVIL. It is how we use it. It’s okay to use Social Media as long as we don’t sacrifice the things that is already there. Like relationships. Kung tutuusin daw, ganiyan din nangyari nung nauso ang T.V. People demonized it but at the end, its still up to us. Papa-alipin ka ba?

Pagkatapos kong mag-serve sa The Feast sa PICC, dumaan ako sa Harbor Square. Nagugutom ako. Kailangan ko bumili ng pagkain para itake-out dahil pipila ako para manood sa Virgin Labfest sa Cultural Center of the Philippines. Ito lang ata ang stage performance na afford ko e. Hindi ko kayang manood ng mga broadway. Namamahalan ako e. Ito P400.00 lang, 3 nag-gandahang play na. Since napadaan na ako, hindi ko na maiwasang kumuha ng litrato. Sunset na kasi at ang ganda ng langit. Matitiis ko ba e hawak ko na ang kamera?

DSCF9718 - Copy.JPG

Itong Harbor Square, favorite tambayan ito ng mga photographer na nagpa-praktis ng long exposure. Pumunta ka rito ng Linggo, hindi mawawala mga ganitong eksena, photographer na may dalang tri-pod.

DSCF9682.JPG

Bumili ako ng paborito kong Yello Cab MyMix. Iisa lang lagi combination ko. Charlie Chan + Hotchixx + kahit anong pizza. Constant iyong unang dalawa. Inubos ko iyan habang nasa pila ako ng CCP Box Office. Kasehodang nakaupo ako sa sahig! Chance tickets lang ito. So may chance na wala. Uuwi akong luhaan. Nangyari na sa akin iyon sa mga nagdaang Virgin Labfest.

P_20180701_185920

Pero sinuwerte ako ๐Ÿ˜‰

P_20180701_194218

DSCF9723

Ito na ang masasabi ko sa aking mga pinanood. Presenting, my capsule reviews!

A. Labor Room: Kwento ng mga babaing nag le-labor, nakunan at overuse nurse and doctor. Nakakatawa ang atake nito pero sinasalamin nito ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga hospital ngayon. Napasaya ako at the same time, natakot na ako manganak sa Pilipinas. Bigyan ko ito ng โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…

P_20180701_204154

B. Tulad ng Dati: Nakalaya na si Kuya at nagre-union na sila ng kapatid. Hindi ko siya feel noong una. Parang ang awkward ng usapan nila at paligoy-ligoy. Iyon pala may dahilan kung bakit ang awkward nila. Although hindi ako nagulat sa twist, nakakaloka pa rin ang ending. Isa na lang masasabi ko, fearless!
Bigyan ko to ng โ˜…โ˜…โ˜….

P_20180701_212625

C. Ensayo. Kailangan magpraktis ng dalawang senior citizens para sa kanilang performance. Kaso may kissing scene ang script. Ito ang pinaka-light sa tatlong plays. And batikan ang mga aktor. Si Bembol Roco lang naman ang isa sa kanila. Napaka-cute at nakakatawa ng play na ito. Ito yung play na magtuturo sayo na kahit matanda ka na, pwede ka pa kiligin ulit at lumandi! Bigyan ko to ng โ˜…โ˜…โ˜…โ˜…

ensayo

Ang highlight ko sa mga napanood ko ay nakakita na naman ako ng dalawang aktor na naghahalikan. Kasama iyon sa storya talaga. No hold barred ang mga shows dito. One time nga, about sa panahon ng Hapon ang play, talagang hubo’t hubad ang isang aktor. Buong play! Talagang magaganda ang mga istorya ng mga play dahil piling-pili ang mga script at napapanahon. Alam niyo ba, dalawang beses na ako nagpasa ng script para sa festival na ito. Kaso hindi napili e. Hindi ko na alam kung kailan na ulit ako makakapagpasa. Isa ito sa frustration ng buhay ko. Ang saya lang kasi, kapag napili ang script mo, magkakaroon siya ng direktor at mga aktor na magbibigay buhay sa kuwento mo. Astig di ba? Iiyak ako kapag nangyari ito. May mga napipili rin kasing script dito na nagta -trabaho halimbawa sa IT industry. At mahilig lang din talaga magsulat. Hay, kailan kaya ako papalarin?

Pero hindi lahat ng storya dito, sobrang malalalim at FEARLESS. Meron din pa-cute lang. Iyong patatawanin ka ng sobra. Katulad nung play ni Bembol Roco gaya nga ng naikwento ko sa review. Yes! Bembol Roco lang naman, one of the finest actors sa bansa. Pangalawang beses ko na siyang napanood dito ng live. At grabe, magaling talaga siya. Napatawa niya ako ng bongga.

DSCF9741

Nahiya ako magpapicture hehe.

Medyo malungkot lang ako kasi kadalasan kasama ko bff ko na si Mitchi saka si Santi sa panonood ng mga ganito. Kaso nasa ibang bansa si Mitchi. Si Santi naman e hindi puwedeng bumiyahe dahil maselan ang kaniyang kalagayan ngayon. Gayunpaman, sanay naman ako mag-isa hahaha! Mejo nag mukmok lang ako ng 5 minutes.

Ayun, pagkatapos umuwi na ako ng bahay. Grabe 11:00 PM na ako nakauwi. Nag-empake na ako ng gamit kasi ba-byahe pa ako sa dormitory. Lunes na naman kasi bukas. Grabe pagod ko. Dala ko kasi laptop ko saka camera buong araw. Pagkauwi, bagsak na ako sa kama.

Bye world!


Ayun, balak ko sana from July 1-7 ang post na ito kaso ang haba na pala. HIndi ko na alam gosh! Ang sarap magsulat ng ganito, chill lang. Walang paki sa sentence construction. Till next journal entry blog!!!

PS: Hanggang July 15 ang Virgin Labfest sa CCP! Nood na! FOr schedules and guides, check niyo itong link na ito mga beshies.

DSCF9736

Another PS! If you want to attend “The Feast”, reach out to me. Promise masaya talaga doon. ๐Ÿ˜‰

Advertisement